ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kwento ni Lola Resa, isang "diwata", tatalakayin sa 'Out of Control'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#OutofControl
DIWATA
Airing date: Saturday, December 21, 4 PM

Araw-araw, bago lumabas ng bahay ang sistenta anyos na si Lola Resa, metikuloso siyang naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha, palamuti sa kanyang buhok at alahas sa kanyang mga kamay. Makukulay din ang kanyang mga damit. Singkulay nito ang kanyang mga kuwento.
Paniwala kasi ni Lola Resa, isa siyang diwata o reyna na ang sinumang kanyang ngitian o kawayan ay susuwertihin at sasaya. Pinaninindigan din ni Lola Resa na siya ang pinakamagandang reyna sa buong mundo.
Masayahin si Lola Resa pero kung bibisitahin mo siya sa bahay niya, ibang kuwento ang makikita.
Ang tatlong palapag ng bahay niya, punong-puno ng kung anu-anong gamit. Mga damit, sapatos, abubot, mga garapon at sandamakmak na supot na plastic. Ang sustentong ipinadadala ng nag-iisa niyang nabubuhay na kapatid, ipinagsho-shopping daw kasi niya. Ang mga gamit na ito lang ang kasama niya sa bahay, bukod sa alaga niyang aso. Sa dami ng gamit, ang sala at kusina niya, hindi na magalawan. Maging ang hagdan at ikalawang palapag ng bahay ay tinambakan na ni Lola Resa ng kanyang mga gamit. Dahil dito, natutulog na lang si Lola Resa sa isang silya sa kusina.
Ano ang kuwento na nasa likod ng makulay na personalidad ni Lola Resa? Bakit di niya mabitawan ang mga gamit sa kanyang bahay? Mailagay pa kaya sa ayos ang Out of Control niyang sitwasyon?
Alamin sa Out of Control kasama si Rocco Nacino at Mariz Umali ngayong Sabado, 4pm sa GMA.
DIWATA
Airing date: Saturday, December 21, 4 PM

Araw-araw, bago lumabas ng bahay ang sistenta anyos na si Lola Resa, metikuloso siyang naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha, palamuti sa kanyang buhok at alahas sa kanyang mga kamay. Makukulay din ang kanyang mga damit. Singkulay nito ang kanyang mga kuwento.
Paniwala kasi ni Lola Resa, isa siyang diwata o reyna na ang sinumang kanyang ngitian o kawayan ay susuwertihin at sasaya. Pinaninindigan din ni Lola Resa na siya ang pinakamagandang reyna sa buong mundo.
Masayahin si Lola Resa pero kung bibisitahin mo siya sa bahay niya, ibang kuwento ang makikita.

Ang bahay ni Lola Resa
Ano ang kuwento na nasa likod ng makulay na personalidad ni Lola Resa? Bakit di niya mabitawan ang mga gamit sa kanyang bahay? Mailagay pa kaya sa ayos ang Out of Control niyang sitwasyon?
Alamin sa Out of Control kasama si Rocco Nacino at Mariz Umali ngayong Sabado, 4pm sa GMA.
More Videos
Most Popular