ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sakit na Onychophagia, tampok sa 'Out of Control'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
OUT OF CONTROL
ONYCHOPHAGIA
DATE OF AIRING:  January 4, 2014
 
Pang-karaniwan sa ilan ang pagkutkut at pagkagat sa mga kuko lalu na kapag kinakabahan pero paano kapag ang inakalang simpleng ugali ay naging Out of Control na?


 
Kikilalanin natin si Malaya Diwa, isang 60 taong gulang na walang tigil sa pagkutkut at pagkagat sa kanyang mga kuko kahit ang mga ito ay dumudugo na. Ayon kay Malaya o mas kilala sa tawag na Nanay Ganda, ginagawa niya ang pagkutkut sa kanyang mga kuko para mawala ang kanyang mga problema. “Pipilitin ko, susuluksukin ko. Nawawala, nawawala yung problema. Itataas kong ganyan ang paa ko. Ganyan, babaliktarin ko siya nawawala problema ko doon kapag kinutkot ko siya.”


 
Ayon sa psychologist na si Angelo Subida, “Onychophagia -- iyon ay ginagamit na term doon sa mga nagnanail bite o kumakagat ng kuko nagkakaroon ng sugat, nagkakaroon ng hindi na pagtubo…mayroon siya noon kasi sa haba ng panahon na ginagawa niya iyon, iyon ay lagpas sa normal.”
 
Ang inakalang simpleng ugali ni Nanay Ganda ay nag-uugat pala sa mas malalim na karanasan. Pitong taon na ang nakalilipas mula nang yumao ang kanyang asawa. Dahil hindi nakapagluksa nang maayos si Nanay Ganda, pinabayaan na niya ang pag-alaga sa kanyang bahay at lalong-lalo na sa kanyang sarili.
 
Ihahatid nila Rocco Nacino at Mariz Umali ang tulong para tuluyang makapagbagong-buhay si Nanay Ganda. Panoorin sa Out of Control ngayong Sabado, 4pm (pagkatapos ng Star Talk).