ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Obsessive compulsive disorder, tatalakayin sa 'Out of Control'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Obsessive Compulsive Disorder
OUT OF CONTROL
Airing date: January 18, 4 PM




Walang mali sa pagtatanong. Natural lang naman sa atin ang maging “curious” sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Pero paano kung lahat ng bagay – pangalan, petsa, pangyayari, at kung ano-ano pa --  kailangan mong malaman, “now na!” Paano kung ang pagiging matanong, nagiging out of control na?

Sa huling episode ng Out of Control, kikilalanin ng hosts na sina Mariz Umali at Rocco Nacino si Mang Eddie, isang senior citizen na animo’y bata na ubod ng kulit. Maya’t maya, nagtatanong siya tungkol sa iba’t ibang bagay. Patuloy niyang inaalam ang mga sagot sa lahat ng kanyang mga katanungan. Pero 'di gaya ng bata na puwedeng dedmahin, si Mang Eddie, hindi mapakali at tila masisiraan ng bait kapag hindi niya nalaman o naalala agad ang sagot sa kanyang mga tanong.



Umaabot tuloy sa punto na hindi na siya makapag-hanapbuhay o makapanood man lang ng TV kasama ang kanyang pamilya. “Hindi ako makakilos ng normal. Gustuhin kong magmaneho, bibiyahe ako ng Tungko, Novaliches, magmamaneho ako ng jeep. Bawat madaanan kong kalsada kinakailangang matandaan ko. Bawat signboard na makikita ko sa kalsada kinakailangan ilista ko iyon dahil kapag lumayo ako sa lugar na iyon nalayo ako sa lugar at bumalik sa isip ko, ano ba yung karatula na nadaanan ko? Hindi ko na matandaan? Guguluhin na isip ko  noon.”



Ayon sa psychologist na si Ali Gui, mayroong Obsessive Compulsive Disorder si Mang Eddie. “Ang obsessive compulsive disorder is most of the time anxiety-driven. Ang anxiety po is an emotion talaga. Emotion or feeling ng tension siya nag-woworry siya, natatakot siya of many things na hindi certain sa kanya.”


 
Sa pamamagitan ng ilang praktikal na paraan, susubukan ng Out of Control na tulungan si Mang Eddie na mapalagay ang loob niya sa lahat ng kanyang mga katanungan.
 
Panoorin ngayong Sabado, 4 PM, pagkatapos ng Star Talk sa GMA-7.