Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing pinasarap ng panahon, titikman sa Maynila!


SINIGANG NA BIHOD, BITUKA SOUP, CHICKEN PIAPARAN AT IBA PANG PAGKAING PINASARAP NG PANAHON NA MATITIKMAN SA MAYNILA NGAYONG MARTES SA PINAS SARAP SA GMA NEWS TV!

Airing Date: November 17, 2020

Ang ating next food trip ay sa makasaysayang lungsod ng Maynila. Samahan si Kara David na bisitahin ang Intramuros, Tondo, at Quiapo para alamin ang mayaman nilang kasaysayan at tikman din ang mga natatangi nilang pagkain na pinasarap ng panahon.

 

 

Ngayong lumuwag na ang community quarantine, pwede nang bumisita at mag- dine-in sa mga restaurant sa Intramuros. Sa Ilustrado restaurant, bidang putahe ang Paella Ilustrado at Adobong Bagnet sa Taba ng Talangka with Prawns.

 

 

Sinigang na Bihod o itlog ng isda naman ang best seller ng Patio de Conchita sa Intramuros.

 

 

Sa Tondo, patok naman ang sabaw na ang pangunahing sangkap ay bituka ng baboy.

 

 

Bukod sa sabaw, perfect din daw pampainit ng katawan ngayong tag-ulan ang Hot and Spicy Chicken Piaparan na matitikman sa Muslim Town sa Quiapo.

 

 

Sa Kasarap, ipatitikim naman ni Kara ang kanyang version ng Cocido gamit ang hambone na mabibili sa Quiapo.

 

 

Huwag palalampasin ang pagbabalik ng pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap sa bago nitong time slot ngayong Martes, 9:15PM sa GMA News TV!

 

ENGLISH VERSION

Manila is a city rich in history and culinary heritage. This Tuesday, join Kara David as she explores Intramuros, Quiapo, and Tondo to visit historical landmarks and to feast on delicious dishes served in the city such as Paella, Sinigang na Bihod, and Adobong Bagnet. Tune in to Pinas Sarap this Tuesday at 9:15PM on GMA News TV.