ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pinoy MD: Celebrity deaths and health tips


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kamakailan, binawian ng buhay ng boxing champ na si Joe Frazier at ng producer/choreographer na si Lito Calzado ng kanilang mga sakit sa atay. Liver cancer ang pumatay kay Joe. Cirrhosis naman ang kay Lito. Para makaiwas sa mga sakit na pinagdusahan ng ating mga idolo, may mga tip kami para mapanatiling malusog ang inyong mga liver. Ang mga mahahalagang bahagi ng ating katawan, ang ating mga muscle at ang ating immune system-binubuo ng protina. Kaya pagdating sa pagpapalakas at pagpapatibay ng mga ito, inererekominda ng mga eksperto na kumain ng mga mayayaman sa protein. Karaniwang karne ang naiisip natin kapag protina na ang pinag-usapan- pero marami pang mga pagkain na mayaman sa substance na ito.Alamin ang mga protein-rich food, minus the fat siyempre, this Saturday. Triple dose ng celebrity health secrets ang ibibigay namin sa inyo. Si sexy star at ngayo’y mom na si Andrea del Rosario, may mga recipe na ituturo. Masarap at siksik sa sustansiya. Sina Survivor Celebrity Doubles Showdown Castways Steff Prescot at Gino De La Pena, di lang sa isla nakipagtagisan ng lakas at galing, abangan din ang kanilang showdown pagdating sa kalusugan! Samahan ngayong Sabado sina Connie Sison, broadcaster; Doc Oyie Balburias, internist; dermatologist Dra. Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor dito sa programang kaagapay niyo sa pag-aalaga ng inyong kalusugan, ang Pinoy MD, Saturday 6 a.m. to 7 a.m. sa GMA.