ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Aginaldong pampa-healthy ang regalo ng 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa bisperas ng Pasko, samahan sina Connie Sison, Doc Oyie Balburias, Doktora Jean Marquez, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor ang maghahatid ng impormasyong aginaldo para sa inyo. 
 
Parehong excited pero pareho ring ninenerbiyos ang 41 taon gulang na si Juliet at ang 17 taong gulang niyang anak na si Mary Joy.  Kapwa kasi buntis ang mag-ina.  Natatakot din sila dahil hindi pa sila nakapagpapa-ultrasound kaya di nila alam ang lagay ng mga nasa sinupupunan nila ngayon.  Kaya naman to the rescue si Dr. Q at ang iba pang mga OB-Gynecologist na hiningan namin ng tulong.  Isang Project Kalusugan ang inilunsad namin para kina Juliet, Mary Joy at kanilang mga ka-barangay na nagdadalantao rin.  Alamin ang lagay ng mga baby nila sa Sabado.
 
Huwag mag-alala at hindi aabutin ng isang taon ang mga natirang queso de bola sa inyong mga ref.  May mga Luto Lusog recipe kaming ituturo sa inyo na sisiguruhing agad niyong malalasap ang sustansiya at lasa ng matitirang edam cheese mula sa inyong mga handaan.
 
Ang Christmas ay party at inuman season din.  Sa gitna ng kabi-kabila ang mga selebrasyon, mas malaki ang tsansa nating magkaroon ng gout.  Kapag namaga na ang mga kasu-kasuan, mas mahirap na raw ang kumilos lalo na para sa mga may edad.  Ipaliwanag namin ang gout at mga paraan at exercise na puwedeng gawin para mas maibsan ang sakit na dala nito. 
 
Isa sa mga senyales ng pagiging unhealthy ay ang pagkakaroon ng sobrang laking tiyan.  Para sa mga tatay na may ganitong problema, maki-Banat Buto para di maging ala-Santa Clause ang inyong mga belly.
 
Ipagluluto ni Connie at ng broadcaster at nanay ding si Susan Enriquez ang mga bata sa Payatas, Quezon City.  Siyempre healthy pero mga murang recipe ang gagawin nila para matulungang mas mapataba ang sentro ng malnutrisyon sa siyudad.  Ang kids mismo ang pipili kung sino ang panalo sa sarap pagdating sa cook-off na ito.
 
Sisiguruhin naming merry at healthy ang Christmas niyo.  Panoorin ang Pinoy MD, Sababado 6 a.m. sa GMA!
Tags: pinoymd, plug