ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagpapa-check-up ni Connie sa ob-gyn sa 'Pinoy MD'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PINOY MD! Airing date: October 13, 2012
Sabado, 6:00 ng umaga sa GMA 7
Kada Sabado, inuuna nina broadcaster Connie Sison, internist Doc Oyie Balburias, dermatologist Doktora Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor ang paghahatid namin ng health news at segments.
Ang isang taong may neurofibromatosis, buong katawan tadtad ng bukol. Malaking pahirap para sa mga nagdurusa rito ang pagkilos. Kapag sumobra naman ang laki ng mga cyst, nadidiinan nito ang mga mahahalagang bahagi ng katawan. Madalas na benign o di nakamamatay ang kondisyong ito pero may 3-5% tsansa pa ring maging cancerous ang mga tumor, kaya mahalaga na maaga itong masuri. Sa Sabado, kuwento ng mga taong may neurofibromatosis ang dala namin sa inyo.
Para sa mga nagdidiyeta nakatutulong raw ang pag-inom ng mga supplement para hindi tumaba. Ang iba, nagte-take ng L-carnitine. Isang amino acid, tumutulong daw ito sa pagpaparami ng protina sa katawan. Dahil dito mas epektibo raw nitong sinusunog ang calories na kinakain ng isang tao. Noon nasa kapsula at drinks lang ang L-carnitine pero ngayon puwede na rin daw itong ipa-inject. Epektibo ba ito? Higit sa lahat, Ligtas ba ang l-carnitine supplements?
Kung toned at fit body ang habol niyo, gawin ang workout ni Kapuso hunk Enzo Pineda. Sa Rip 60, ginagamit ang body weight para mas ma-exercise ang katawan. Ito raw ang bagong ginagawa ngayon ni Enzo para mas makapaghanda sa kanyang roles. Subukan kung kaya niyong sabayan ang kanyang workout.
Mahalaga ang pagpapa-ultrasound ng mga buntis. Sa pamamagitan nito, malaman ang gender ng magiging anak ng isang nagbubuntis pero importante rin ito sa pagmo-monitor ng kalusugan ng anak at ng ina. Ngayong ika-anim na buwan na ni Connie sa kanyang pagbubuntis, siya naman ang magpapa-ultrasound. Excited na ang lahat na makita ang sanggol sa kanyang sinapupunan! Samahan siya sa importanteng pagpapa-check-up niya sa kanyang ob-gynecologist sa Sabado.
Ito ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Panoorin ang Pinoy MD, Saturday 6 - 7 a.m., sa GMA 7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular