Skin care for every age at post-pregnancy weight loss sa 'Pinoy MD'
Isang malusog na simula ang hatid ngayong 2013 ng Pinoy M.D. kasama nina Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias. Dahil kapapanganak pa lang ng Pinoy MD host na si Connie Sison, isang healthy Kapuso mom ang pansamantalang papalit sa kanya- si Suzi Abrera. Sa katatapos lang na Pista ng Nazareno, dumagsa muli ang milyon-milyong deboto para mahaplos man lamang ang poon. Naniniwala kasi silang nakapagpapagaling ang milagrosong Nazareno. Mas epektibo pa nga raw ang lunas kung papahiran ng langis na nabendisyunan ang anumang sumasakit na bahagi ng katawan. Wala pang sapat na paliwanag ang siyensiya tungkol sa paniniwalang ito, pero alam niyo bang meron talagang mga natural na langis o “healing oils” na maaaring makatulong sa pagpapaginhawa ng pakiramdam? Alamin kung alin-alin ang mga ito at kung paano sila inihahaplos sa mga masasakit na kasu-kasuan. Anuman ang iyong edad, mahalaga ang pangangalaga sa pinakamalaking organ ng ating katawan – ang ating balat. Ayon nga sa ating resident dermatologist na si Dra. Jean, isa sa pinakamagandang gawing resolution this year- ang pangangalaga sa ating balat. Depende sa edad, iba-iba ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkasira ng balat. Alamin kung paano maiiwasan ang tighiyawat para sa mga edad beinte pababa. Paano naman maiiwasan ang maagang pangungulubot ng balat o wrinkles sa mga nasa edad trenta na. At anu-ano nga ba ang mga paraan para mapanatiling young-looking ang kutis ng mga nasa edad kuwarenta pataas?