Mga sintomas na hindi dapat binabalewala, tampok sa 'Pinoy MD'
Malamig na umaga ang bumubungad sa atin kamakailan, kaya naman natutuwa ang karamihan. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration o PAGASA,mas mababa ng sampung degree Celsius ang nararamdaman nating temperatura ngayon;at magtutuloy-tuloy pa raw ito hanggang Pebrero. Pero marami man ang enjoy sa tila pinahabang simoy ng Pasko, may ilan namang nagrereklamo! Dinaraing kasi nila ang kanilang ubo. Isa ba kayo sa dumaranas ng matinding pag-ubo? Perwisyo na ba ang hirap niyo sa paghinga? Ayon sa mga pulmonologist o espesyalista na nagpapagaling ng ubo at iba pang karamdaman sa baga, may iba’t ibang klase ng ubo at iba-iba rin ang paraan kung paano mapagagaling ito. Lagi ba kayong hiningal kahit hindi naman kayo pagod? Inaantok kahit hindi naman puyat? Mag-ingat dahil maaaring senyales na ito ng mas malalang kondisyon. Ang mga sintoma na di dapat binabale-wala, pag-uusapan sa ng mga eksperto. Para naman sa mga walang oras mag-ehersisyo, subukan ang work out na kinse minutos lang, tatlong beses sa isang linggo, epektibong paraan na raw para magpapayat at magpalakas sa mga gustong maging fit. Ito ang circuit training -- isang high-intensity workout na kayang kayang gawin kahit sa bahay lang ng mga nanay na gustong magpaseksi muli. Tinagurian itong “Wonder Veggie” dahil siksik ito sa nutrisyon at bitamina. Mas marami pa nga itong calcium at protina kaysa sa gatas! Bukod diyan, maganda itong pangontra sa sipon at paglabo ng mata. May mabuting epekto rin daw ito para maproteksyonan ang katawan sa altapresyon at kanser. Ano ang super food na ito? Malalaman na sa Sabado. Lahat ng ito sa Pinoy MD ngayong Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.