ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dengue at iba pang sakit na uso ngayong tag-ulan sa 'Pinoy MD'




Basta’t nagsimula na raw ang tag-ulan, asahan na ang traffic at iba pang perwisyo.  Dapat din daw mag-ingat sa mga sakit na puwede nating makuha ngayong tag-ulan, lalu na kung madalas tayong lumusong sa baha. Kabilang na rito ang mga sakit sa baha na di lang makati, kundi maaari rin makahawa.  Para sa mga tips tungkol diyan, panoorin si Dra. Jean Marquez, dermatologist sa Sabado.


 
Taon-taon, lalo na kapag maulan na, problema sa Pilipinas ang dengue.  Sa katunayan, ika-apat ang ating bansa sa may pinakamaraming kaso nito sa buong South East Asia.  Pero kamakailan, naglabas ng isang pag-aaral ang University of the East Ramon Magsaysay Research Department na nagsasabing possibleng makatulong ang halamang tawa-tawa kontra dengue.  Ang simpleng tawa-tawa, ano nga ba ang maitutulong para mapigil ang sakit na ito?  Alamin ang sagot kay Doc Dave Ampil, cancer surgeon at UERM Vice President for Research.


 
Ayon sa Philippine National Red Cross, aabot sa 950,000 units ng dugo ang demand sa buong bansa pero 510,000 lang ang nakokolekta.  Nitong nakaraang Biyernes, ipinagdiwang ang World Blood Donor Day, kaya naman muling diniin ng mga World Health Organization at Department of Health ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming bilang ng mga voluntary blood donors.  Ang dugo raw kasing ibinigay mas ligtas na gamitin kaysa sa dugong binili.  Nagiging atubili raw ang ibang Pilipino na mag-donate dahil paniwala nila, ang ilang tao gaya ng mga may tattoo at mga patpatin, di raw puwedeng mag-donate ng dugo. Pero totoo nga kaya ang paniniwala ito?
 
Exercise na nagpapalakas at nakapagpapa-tone lalo na ng mga binti at hita na plyometrics -- iyan ang ipakikita sa atin ng talented at sexy actress na si Ryza Cenon.  Ito pala ang isa sa mga sikreto niya para makuha ang kanyang sexy body.  Sa mga Kapuso nating babae, kung gusto niyo ring maging mala-pang men’s magazine cover ang hubog ng inyong katawan, may mga paalala si Ryza para sa inyo.
 
Kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, rain or shine kami ang nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 AM sa GMA-7.
Tags: plug