ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga alternatibong paraan para sa pagyoyosi sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Kamakailan, naglabas ng report ang World Health Organization (WHO) na di raw nakatutulong sa pagtigil ng paninigarilyo ang e-cigarettes dahil may taglay pa rin daw itong nikotina, o ang nakalalasong sangkap ng sigarilyo. Para sa mga gusto nang tigilan ang pagyoyosi, ano pa nga bang ibang alternatibo pero epektibong paraan?
 
Bago at nauusong paraan ng pagpapakulay ng buhok, ginagamitan daw ng chalk? Sa ilang sandali lang, ang kulay ng buhok, puwede na raw maging gaya ng rainbow!  Dahil nakikita sa mga kilalang Hollywood celebrity, nakahihiligan daw ito ng mga kabataan. Pero kamakailan lang, naglabas ng babala ang Food and Drug Administration o FDA tungkol sa produktong ito. Mga epekto nito sa anit, mata at balat, alamin!
 
Tuwing may okasyon – mapa-birthday, kasal, binyag, promotion o kahit kapag Biyernes lang – nagiging dahilan daw ito para kumain at lumaklak ng sobrang alak ang ilang mga Pilipino. Bilang pakikisama o bilang pagsasaya, nakalilimutan daw kasi natin ang pagpipigil sa alcohol, sa mamantika, maaalat at matatamis. Ang nakakatakot, ang madalas at sobra-sobrang pag-celebrate, posible raw maging dahilan ng delikadong sakit gaya ng cancer, diabetes at sakit sa puso. Ang mga sakit na ito ang bumubuo sa 54% ng mga ikinamamatay ng mga Pilipino taon-taon.  Kaya bago pa malulong sa “masayang” bisyo, iligtas na ang sarili sa peligro!


 
Sa mga lalaking malaki ang tiyan- ma-inspire kay Iggy Gonzales!  Dati siyang 240 pounds pero sa loob lang ng isang taon, natapyasan na siya ng 100 pounds!  Ang sikreto ni Iggy- Mixed Martial Arts!  Bukod sa malakas makapagpapayat, epektibong paraan ng “self-defense” din daw ang MMA. Paano nga ba sisimulan ang pag-eensayo sa nauusong sport na ito? Anu-ano ang mga benepisyo nito sa kalusugan?
 
Ngayong malamig ang panahon dahil sa madalas na pag-ulan, masarap kumain ng mga pampainit ng tiyan. Mga pagkaing di ginagamitan ng mantika – ito ang steamed recipes na puwedeng-puwedeng subukan. Abangan ang fish at luncheon meat recipes na ituturo namin sa inyo sa Luto Lusog segment.
 
Samahan sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa programang laging una ang inyong kalusugan.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug