ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing pampahaba ng buhay at kangkong overload sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Ang overall life expectancy ng mga Pilipino, 69 years old lang ayon sa World Health Organization.  Malayong-malayo ito sa Japan kung saan pangkaraniwan na ang umabot sa edad na 83 years old.  Isa sa mga sikreto raw ng mahabang buhay ng mga Hapon ang kanilang diyeta.  Ano nga ba ang matututunan natin mula sa panlasang Hapon?  Anong masasarap na putahe ang puwede nating gayahin para sa mas mahabang buhay?
 
Maliit at karaniwang di naman delikado ang kulugo o warts, pero marami pa rin ang pilit na tinatanggal ang mga ito mula sa kanilang katawan.  Masagwa raw kasi itong tingnan. Kaya naman ang iba, ginugupit, sinusunog, o kaya’y pinapatakan pa ito ng tubig ng baterya ng kotse para lang mawaksi!  Ang ligtas at epektibong paraan ng pagtanggal ng kulugo, abangan sa Sabado.
 
Dahil sa bilis ng pagdami ng bilang ng mga diabetic sa bansa, ayon sa World Health Organization, tinatayang sa taong 2030, magkakaroon ng 6.16 milyong Pilipinong may diabetes.  Kaya naman, dapat ngayon pa lang, maging maalam na tayo tungkol sa kondisyong ito.   Ang mga tanong niyo tungkol sa diabetes, sasagutin mismo ng mga eksperto sa Sabado.
 
Aabot lang sa sampung piso ang presyo nito kada bugkos, madali itong lutuin, at siksik sa nutrisyon.  Kaya naman dapat lang na damihan pa natin ang ating nilulutong kangkong!  Di lang ito pang-adobo o pangsahog sa sinigang.  Panoorin sa aming Luto Lusog segment ang iba pang paraan ng pagluluto ng gulay na ito.

Malaking responsibilad ang pagiging isang ina pero dumarami sa mga nagiging magulang sa Pilipinas, hinding-hindi pa handa. Ayon sa United Nations Population Fund Agency, mula 1999 hanggang 2009, tumaas ng 70% ang mga naging ina sa bansa na nasa edad 10 hanggang 19 taong gulang.  Ano- ano ang mga implikasyon at komplikasyon para sa mga batang inang ito?  Ano ang maaaring gawin para mas maging ligtas ang kanilang kalusugan?
 
Bawat Sabado, impormasyong makapagpapalusog sa inyo ang dala nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.
 
Unahin ang kalusugan, panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug