ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health secrets ni G Toengi at usapang dibdib, tampok sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Ang magkaroon pa rin ng katawang pang-dalaga ang minimithi ng ilang mga kababaihan kahit na nanay na sila.  Kung ang aktres, host at dating VJ na si G. Toengi ang tatanungin, posible naman ito basta’t masipag lang sa pag-aalaga sa sarili. Dalawa na ang anak ngayon ni G. pero fit pa rin ang kanyang katawan.  Alamin ang kanyang mga sikreto sa pag-e-ehersisyo at sa pagdi-diyeta sa Sabado.

Kapag kalusugan ng suso ng mga babae ang pinag-uusapan, maraming problema ang kung minsan, nakakahiyang itanong. Paano ba maiiwasan ang paglawlaw ng dibdib sa pagtanda? Puwede bang mapalaki ang boobs nang hindi nagpapa-opera? Epektibo ba ang mga pamahid na “pampa-rosas” ng kulay ng nipples? Mula sa laki, hugis at hitsura ng dibdib, pati na kulay, pakiramdam at tamang pag-eksamin dito upang malaman kung may bukol ba o wala – tatalakayin yan ng Pinoy MD at mga eksperto sa kalusugang pangkababaihan.

Ang mga babae, nagkakaroon din nga ba ng luslos? Kung kayo’y madalas magbuhat ng mabibigat, laging nahihirapan dumumi o kaya nama’y grabe kung umubo, puwede kayong magkaroon ng luslos o hernia. Matinding sakit ang dinaranas ng mga nagiging biktima nito, kaya mahalaga na malaman kung paano ito maiiwasan at kung ano ang mga maaaring lunas para rito.

Karaniwang mas mura sa baboy at baka ang manok, pero di naman ito patatalo pagdating sa sustansya.  Yun nga lang kapag niluluto ito, madalas ito’y piniprito kaya mas nagiging mamantika. Kaya para ma-enjoy pa rin ang lasa ng manok sa mas malusog na paraan, puwede itong pasingawan o i-steam. Steamed chicken recipes, na mura at puno ng sustansiya, abangan sa aming Luto Lusog segment.
 
Kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, kami ang nag-iisang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.
 
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug, health