ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Fiber na sikreto ng mga nagdidiyeta, tampok sa 'Pinoy MD'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Simulan ang inyong umaga sa pagkain ng almusal na mayaman sa fiber. Ang fiber kasi, nakatutulong sa pagtunaw ng ating pagkain. Maganda rin ito para mapababa ang altapresyon. Mga makukulay at masustansiyang pang-agahan ang ituturo namin sa Sabado gaya ng oatmeal parfait at scrambled eggs with kangkong. Ituloy pa ang pagkain ng fiber sa tanghalian sa pamamagitan ng mga putaheng may halong sayote. Kaunti lang ang calories ng sayote, kaya naman para sa mga nagdi-diyeta, swak na swak ang pagkaing ito. Matutunan niyo ang paraan ng paghahanda nito sa aming Luto Lusog segment.
Para naman sa mga babaeng mayroong varicose veins, may pag-asa pa kaya para mawala ang mga ito? Ayon sa mga doktor, may kinalaman ang sobrang timbang sa pagkakaroon ng varicose veins. Sanhi rin kaya ng pagkakaroon ng varicose veins ang madalas na pagdedekwatro at pagtayo ng matagal? Isang vascular surgeon ang sasagot sa mga tanong na iyan ngayong Sabado. Ilalahad din niya ang mga pinakabago at epektibong paraan para mawala ang varicose veins. Di na raw kasi kailangan ng operasyon sa mga pinaka bagong procedure ngayon.
Para naman mas ma-inspire tayo sa pamumuhay nang healthy, may mga Kapuso tayong magkukuwento ng kanilang kahanga-hangang weight loss stories. Ano- ano ang kanilang mga sikreto?
Dadaling panindigan ang ating mga resolution na maging healthy kung may tama tayong impormasyon sa kung paano ito susundin. Abangan ang mga ibabahagi kasama si Connie Sison, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Dr. Raul “Dr. Q”, 6 to 7 am, Saturday morning.
More Videos
Most Popular