Polycystic Ovary Syndrome o PCOS, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
Ngayong Mother’s Day weekend, pag-uusapan sa Pinoy MD ang isang kondisyong nakaaapekto sa tinatayang 1 sa bawat 20 babae – ang polycystic ovary syndrome o PCOS. Kabilang sa mga sintomas nito ang hindi pagkakaroon ng regular na buwanang dalaw, ang pagtaba at pagiging tighiyawatin ng isang babae. Maaaring dahilan din ito para mahirapang magbuntis ang isang babae. Kung nakararanas ka ng mga sintomas ng PCOS, manood sa Sabado para malaman ang mga solusyon sa ganitong kondisyon.
Isang espesyal na paalala rin ang hatid ng Pinoy MD sa mga nanay, lalu na yung mga nasa 40 pataas na ang edad. Para mapababa ang inyong timbang, maaaring subukan ang mga kakaibang Zumba exercises. Nariyan ang Zumba gold, para sa mga mommy na medyo may edad na. Maaari rin namang mag-aqua Zumba, kung saan nage-ehersisyo sa swimming pool o sa dagat!
May mga masusustansiyang flower recipes din kaming puwede niyong subukan. Mura at madali lang mahanap sa palengke o sa bakuran ang mga bulaklak na magiging pangunahing sangkap gaya ng bulaklak ng kalabasa, ng katuray, pati ang gumamela!
Nagsimula bilang live mannequin si Pia Moran bago siya na-discover at pumasok sa show business. Noong dekada otsenta, sumikat siya at tinagurian pa ngang Miss Body Language dahil sa galing niyang sumayaw. Sa Sabado, bibisitahin natin si Pia ngayon at kanya namang ipakikita kung papaano niya inaalagaan ang kanyang kalusugan.
Kasama sina Connie Sison, Dr. Jean Marquez, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Dr. Oyie Balburias, kami pa rin ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Abangan ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.