ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Asukal: Gaano karami ang sobra? Tatalakayin sa 'Pinoy MD!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PINOY MD
SABADO, JUNE 28, 2014
6:00 AM ON GMA
Para sa maraming nagdadalang-tao, lubos ang kanilang pag-iingat para maalagaan ang nasa kanilang sinapupunan. Kumakain sila nang tama, umiinom ng dagdag na bitamina at hindi masyadong pinapagod ang sarili. Kailangan kasing maging matatag ang kanilang katawan para lumakas ang kapit ng kanilang baby. Pero ang mga di pinapalad, sa kasamaang-palad, nakukunan. Ayon kay Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, obstetrician- gynecologist at dating presidente ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society, walo sa bawat sampung nakukunan, dinaranas ito sa first trimester o unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Paano ba ito maiiwasan? Ano ang maaaring pagdaanan ng isang babae sakaling siya’y makunan? Ang mga ito at iba pang usapin tungkol sa pagkakunan, pag-uusapan sa Sabado.

Araw-araw, dapat hanggang 150 sugar calories o siyam na kutsarita ng asukal lang ang kinakain ng mga lalaki. Para naman sa mga babae, 100 sugar calories lang dapat o anim na kutsarita lang. Kung mahilig ka sa softdrinks o kaya sa dessert, talaga namang mahirap na hindi lumagpas sa mga limitasyong ito. Paano ba naman, sa isang baso pa lang ng softdrinks, may sampung kutsarita na ng asukal! Kaya kapag di nag-ingat, malaki ang posibilidad na magkaroon ng diabetes at iba pang mga karamdaman. Masarap at matamis ang asukal pero di dapat sobra ang gawing pagkain dito. Usapang asukal tayo, sa Sabado.

Lahat tayo, dapat maging handa sakaling may gustong manakit o mang-abuso sa atin. At para sa karamihan ng mga Kapuso nating babae, mahalaga na matuto ng self-defense. Sa aming Banat Buto segment, ipakikita ni Kylie Padilla na ang mga move para ipagtanggol ang sarili, puwede ring gamitin para makapag-ehersisyo. Mga galaw na maaaring makapagpapayat at makapagligtas ng inyong buhay sakaling malagay kayo sa peligro, abangan.

Karaniwan nating itong nilalantakan bilang minatamis, pero marami pang puwedeng luto sa beans. Madaling makabusog at mura, ilan lang iyan sa mga katangian ng tampok nating sahog. Beans ang bida, panoorin ang aming Luto Lusog segment.
Kada Sabado pinapaalalahanan namin kayo na kumain nang tama, regular na mag-ehersisyo at magpakonsulta agad sa doktor kung kailangan. Sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang muli ninyong makakasama sa numero unong Tahanan ng mga Doktor ng Bayan, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

More Videos
Most Popular