ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Carb-loading sa 'Pinoy MD'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PINOY MD
6:00 NG UMAGA
CARBS: DAPAT NGA BANG IWASAN?

Kapag nagpapapayat, marami ang sumusunod sa “no rice diet”. Mabigat daw kasi sa tiyan ang kanin at ang carbohydrates na taglay nito, nakatataba! Pero hindi lahat ng carbs pantay-pantay. Ayon sa ating Pinoy MD host, internist at wellness expert na si Dr. Rolando “Doc Oyie” Balburias, may “good carbs” and “bad carbs” Ang mahalaga raw ay piliin natin ang mga pagkaing kahit may carbs ay mayaman naman sa fiber. Nakabubusog kasi ang mga ito pero hindi masyadong nakadadagdag sa ating timbang. Mas nakatutulong din ang mga ito sa ating panunaw. Dagdag pa niya, di dapat tanggalin ang carbohydrate-rich food. Dapat maging mapanuri tayo sa kinokonsumo natin. Kaya naman sa Sabado, carbs ang bida. Alamin kung aling uri ang makabubuti sa iyo at dapat idagdag o bawasan sa inyong diyeta.
PRE-MENSTRUAL SYNDROME (PMS)

Sa loob ng ilang araw kada buwan, marami sa mga babaeng nasa reproductive age ang nagiging masungit, malungkutin, nagblo-bloat ang katawan at naghahanap na makakain ng matatamis o maaalat. Ang pinagdadaanan nila, premenstrual syndrome o PMS. Ayon sa aming resident obstetrician-gynecologist na si Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, dala ang mga sintoma ng PMS ng pabago-bagong antas ng hormones sa katawan ng isang babae sa tuwing papalapit na ang kanyang regla. May mga paraan naman daw para mas maibsan ang mga sintomas ng mga babaeng nagkakaroon ng PMS. Dagdag pa niya, di raw dapat balewalain ang PMS, lalo na kung grabe ang mga mood swing na nagaganap. Puwede kasing isang psychiatric condition na kung tawagin ay premenstrual dysphoric disorder o PMDD na pala, ang kanyang dinaranas.
WONDER SUKA

Ang suka, hindi lang mahalagang sangkap para sa mga pagkaing hindi agad mapanis gaya ng paksiw at adobo. Puwede rin itong gamitin bilang panggamot sa ilang sakit sa balat. May ilang pag-aaral pa na nagsasabing epektibo rin itong pampababa ng timbang. Alamin ang mga benepisyong pangkalusugan na hatid ng suka sa Sabado.
HERBAL REMEDIES PARA SA PESTENG UBO
Kapag maulan, mas madalas tayong nasa loob ng bahay o kaya ng opisina. Mas madali tuloy tayong mahawa ng ubo. Kung isa kayo sa mga namamaos at nangangati ang lalamunan ngayon, may mga home remedy kami na puwede niyong sundin. Bawang, luya at sibuyas lang ang mga sangkap. Para sa mild na ubo, puwedeng-puwede itong makatulong para guminhawa ang inyong pakiramdam.
Sa Pinoy MD lagi naming paalala, unahin ang kalusugan. Lagi kayong dadalhan ng impormasyon nina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, para magawa niyo iyan.
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.

Tags: plug
More Videos
Most Popular