ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Goodbye, belly fat!' sa 'Pinoy MD!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PINOY MD
SABADO, SEPTEMBER 20
6:00 AM SA GMA 7
TABA SA TIYAN

Kahit ba anong gawin mo ay di mo mapaliit ang iyong tiyan? Tandaan mga Kapuso, ayon sa mga health expert, dapat hanggang 35 inches lang ang sukat ng inyong baywang kung kayo ang babae. Para sa mga lalaki naman hanggang 40 inches lang. Kung lalagpas dito, maaaring maging mas lapitin kayo ng iba’t ibang sakit. Maraming dahilan kung bakit di matanggal ang bilbil. Puwedeng namana mo ito o maaaring dahil sa sobrang pagkain o kaya sa sakit. Pero alam niyo ba na ang stress, nagdudulot din daw ng belly fat? Alamin pa ang ibang impormasyon tungkol diyan at kung paano pa magiging sexy at healthy sa Sabado.
BUKOL

Sakaling kayo’y may makapang bukol sa katawan, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor. Pero paano ba malalaman kung benign o cancerous ang isang bukol? Ang benign o di delikadong bukol, pantay ang pagkabilog at mabagal ang paglaki. Kung malignant naman o puwedeng maging kanser, mas irregular ang hugis at mabilis ang paglaki nito. Mga tumor at kung paano maiiwasan at matatanggal ang mga ito, iyan ang bubusiin ni oncologist Dr. Dave Ampil II at ng mga eksperto ng Philippine College of Surgeons.
LEGS, LEGS, LEGS

Hirap magsuot ng maong at kahit anong suksok, hapit na hapit pa rin ang shorts. Kasya naman sa baywang, pero pagdating sa hita at binti masikip na! Talagang mahirap makapamili ng isusuot kung mataba ang legs. Si Kapuso actress Sheena Halili, may ibabahagi sa inyong mga exercise para mapaganda ang hubog at mapalakas ang inyong mga hita at binti. Mahilig mag-Muay Thai si Sheena ngayon. At sa martial art na ito, talaga namang mababanat ang inyong buto.

Sa aming Luto Lusog, sangkap na maganda para sa puso at sa pagpapalakas ng resistensya. Abangan ang mga tuna recipes na aming ituturo kung paano gawin.
Kami ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan; Connie Sison, Dr. Raul “Dr.Qâ€Â Quillamor, Dr. Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Dr. Oyie Balburias, nagbibigay ng tamang impormasyon sa inyo para mas maging maalam kayo sa pagiging malusog. Mapanonood ang Pinoy MD, 6 to 7 a.m. sa GMA.

Â
More Videos
Most Popular