ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pang-'diva' tips, handog ng "Pinoy MD" ngayong Sabado

PINOY MD
June 6, 2015
Sabado, 6 AM
Pang-'diva' tips
Ang classical singer at "Asia’s Got Talent" 3rd runner up na si Gerphil Flores at ang The CompanY na 30 years na tayong hinaharana dahil sa ganda ng kanilang musika… Sila ang patunay na ang mga Pinoy, da best pagdating sa kantahan. Siyempre hindi lang tayo fans nila, marami sa atin ang gusto ring gumanda ang ating boses. Posible pa kaya ito? Ano ba ang mga dapat nating gawin para mapangalagaan ang ating boses? Abangan ang vocal care tips ng mga experto ngayong Sabado.




Connie’s baon recipes
Pasukan na! May baon na ba ang mga chikiting? Samahan si "Pinoy MD" host Connie Sison at ang kaniyang anak na si Gabi sa paggawa ng exciting and easy-to-do baon recipes na mura na at masustansiya pa!



CelebriTIPS: Kinis na pang-'ta-artits'
Sa mga gusto namang mag-a la kutis artista pero hindi gumagastos nang malaki, may mga payo ang mga paborito nating mga celebrity. Ano ba ang mga puwede nating gawin sa bahay para maging kasingkinis nila?



Pre-"Happy Dad’s Day" getaway
Para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya... Apat ang trabaho ng amang si Michael Villaruel; tricycle driver, family driver, networking agent at ekstra rin sa pelikula. Kaya naman isang advanced Happy Father’s Day treat ang handog naming sa kaniya kasama ang pamilya. Saksihan ang kanilang healthy at happy family trip sa Tagaytay na tiyak na maging kayo ay maeengganyong puntahan para sa espesyal na araw ng mga ama.


Sina Connie, Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, kada Sabado, naghahatid sa inyo ng tama at mapagkakatiwalaang health information. Panoorin ang Pinoy MD, 6 hanggang 7 ng umaga, sa GMA.
More Videos
Most Popular