ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Proper foot-soaking, ituturo ng 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

AUGUST 1, 2015
 
INGAT KA TIYAN!
Kapag masakit ang tiyan, mahalaga raw na tandaan kung saang banda nagmumula ang kirot.   
Alam n’yo ba na sa bawat area ng tiyan na sumasakit ay may kondisyon na katapat na dapat bigyang pansin agad. Kung may nararamdaman kayong mga tulad nito, alamin ang iba pang impormasyon mula sa amin sa Sabado.


 
HIT NA HIT ANG HIIT!
Dahil lagi niyo siyang kasama sa Unang Hirit, talaga naman daw kailangan ng maraming energy ng host, actress at model na si Luanne Dy. Para raw mapalakas ang kanyang katawan, High Intensity Interval Training o HIIT ang ginagawa ng ating Kapuso. Alamin mula mismo kay Luanne kung paano gawin ang ilan sa mga HIIT move.


 
OKS NA FOOT SOAKS!
Ngayong madalas ang pag-ulan lalo na sa hapon, di maiiwasan ng marami sa atin ang lumusong sa baha. Pagkatapos gawin iyan, importante na mahugasan ang mga paa. Sa ituturo ng Pinoy MD na mga foot soak, di lang malilinisan ang inyong feet, magiginhawahan at kikinis pa ang mga ito.

 
BAKAL GYM IS IN!
Madalas naming sinasabi na dapat na regular na mag-ehersisyo para maging malusog.   
Daing naman ng iba, mahal daw ang mag-workout lalo na kung gagawin ito sa gym.   
Mga gym na abot-kaya ligtas at madaling puntahan…iyan ang mga bakal gym na iprepresinta ng Pinoy MD ngayong umaga.
 


Magkita-kita ulit tayo sa Pinoy MD, kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias Abangan iyan sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.