How to lose 50 pounds? Alamin sa 'Pinoy MD'

OPLAN: ‘BAWAS TIMBANG’ SA 2016
Fifty pounds! Di birong sakripisyo ang kailangan para matabasan niyan sa katawan. Pero nakaya ito ni Jigs Nido. Ang kailangan daw talaga, ayon sa 29 taong gulang na data analyst, tiyaga at consistency. Ma-inspire sa weightloss story ni Jigs sa Sabado.
SUGAR DETOX
What you gonna do with that dessert? Kung walang dudang “Titikman!” ang sagot niyo, alamin muna ang aming mga paalala pagdating sa pagkain ng matatamis. Malaki ang tulong ng pagbabawas o pagtatanggal ng asukal sa diyeta para pumayat at para mas maging healthy. Kayanin niyo kayang mag-sugar detox?
THE DOCTOR IS IN: DR. ALBERT ADRALES
Kung ang iba ay takot magpasuri sa doctor, sa ipakikilala ng Pinoy MD ng ngayong Sabado, baka hindi takot kundi kilig ang maramdaman. Hindi lang kasi siya eksperto sa medisina kundi professional model din. Kilalanin si Doc Albert Adrales at alamin ang ilan sa kanyang health tips.
HYPERTENSION ALERT!
At ang mga paalala namin, lalo na sa mga naparami ang kain noong holiday season, tungkol sa pangangalaga ng ating puso at presyon; abangan iyan sa Saturday.
Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.