ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tips para  sa makinis at malusog na balat, tampok sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

USAPANG PIMPLE, PEKLAT, CELLULITES AT DARK SPOTS NGAYONG SABADO SA PINOY MD

Pagdating sa kutis, ang hangad ng lahat, makinis at malusog na balat.  Iyon nga lang dahil sa edad, polusyon, sakit at marami pang dahilan, di natin laging nakukuha iyan.  Ngayong Sabado, hatid ng Pinoy MD ang mga impormasyon at tips para makamit natin ang healthy at blemish-free skin.

 


Teenager man o kahit pa medyo may edad na, puwedeng magkaroon ng acne.  Pigilan ang sarili sa pagtiris sa mga butlig!  Ang mga solusyon ng siyensiya at ng alternative medicine sa pangkaraniwan at nakaiiritang problemang ito, abangan.

 


Sa loob lang daw ng dalawang linggo at taon nang mga masasagwang peklat, puwedeng pumuti!  At may treatment din daw para mas manuot ang gamot sa ilalim ng skin.  Ang akala niyong permanenteng marka ng scars may solusyon din pala.

 


Karaniwang nasa mga hita o sa tiyan, hindi man laging nakikita dahil tago naman sa ilalim ng damit, nakawawala pa rin daw ng kumpiyansa sa sarili ang pagkakaroon ng stretch marks at cellulites.  Ang iba kung ano-ano na ang ipinapahid sa balat para lang mawala ang mga kamot at kulubot na ito.  Ano-ano nga ba ang mga epektibong paraan para mawala ang mga iyan?

 


At buong katawan man o bahagi lang ang gusto niyong paputiin.  Tandaan na dapat, ligtas ang skin lightening na gagawin.  Huwag basta ikuskos o magturok ng mga kemikal sa balat.  Alamin lahat ’yan ngayong Sabado.

Si Dra. Jean Marquez ang mangunguna sa pagpapaliwanag pagdating sa usapang balat natin.  Kasama rin sina Connie Sison, Doc Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.  Abangan ang Pinoy MD sa Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.