ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health benefits ng jumping exercises, alamin sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

YOGA WITH BUBBLES

 


Nakatutulong magpalakas at sa flexibility; at dagdag ni actress, model at yogi na si Bubbles Paraiso, maganda rin daw ang yoga para magkaroon ng peace of mind.  Ngayong Sabado, ipapakita niya sa atin ang ilang mga yoga position na puwedeng sundin lalo na ng mga beginner yoga practitioner.

NO KIDDING SA USAPANG KIDNEY
Kung hindi nag-eehersisyo, mahilig sa junk food at kulang sa tulog, kailangan mag-ingat!  Malaki kasi ang posibilidad na mapabilang ka sa halos 23,000 Pilipino na dina-dialysis.  Pasakit sa katawan at sa bulsa ang prosesong ito para sa mga may sakit sa bato.  Sa Vanderbilt University sa Estados Unidos, binubuo ng mga eksperto ang isang artificial kidney.  Gawa ito sa isang silicon chip na siyang sasala rin daw sa sa mga toxin ng katawan, gaya ng ginagawa ng isang malusog na bato.  Magandang balita iyan sa mga may end-stage renal disease.  Alamin ang detalye sa pinakabagong balita tungkol sa kidney health sa Sabado.

TARA, TALON TAYO!

 


Masaya nang gawin marami pang benepisyo sa katawan ang pagtalon-talon sa mga trampoline.  Iyan ang na-experience ng ating Korean Kapusong si Dasuri Choi sa isang sikat na trampoline park sa Metro Manila.  Maki-talon-talon with Dasuri at alamin kung anong mga activity pa ang puwedeng gawin sa bagong puntahang ito.

SUPER SUKA IS HERE!
Ang daming nagbebenta nito, lalo na online.  Madalas pa nga, nagkaka-ubusan.  Ano nga ba ang totoo at hindi pagdating sa epekto ng apple cider vinegar sa ating health?  Lilinawin iyan, sa tulong siyempre ng mga mapagkakatiwalaang eksperto.

Kada Sabado, malinaw at tamang impormasyon ang dala sa inyo nina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.  Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.