Alyssa Valdez at Amy Ahomiro ng Ateneo Lady Eagles, magyo-yoga sa 'Pinoy MD'
MAY 7, 2016
SABADO
6 HANGGANG 7 NG UMAGA
Sa Saturday morning, maagang Mother’s Day gift ang handog ng Pinoy MD. Yummy healthy treat, sagot sa karamdamang marami ang makare-relate at ‘fitspiration’ mula sa young athletes ng bansa ngayon.
Yoga with V-League Players


Si Alyssa Valdez, ang tinaguriang phenom ng larong ito sa Pilipinas; three-time most valuable player din siya sa University Athletic Association of the Philippines o UAAAP at si Amy “Kiwi” Ahomiro naman, nag-MVP din at talagang palaban sa court...ilang lamang sila sa mga nagpahanga sa atin pagdating sa larangan ng volleyball. Ngayong Sabado, pahinga muna sila sa pag-toss and pass ng bola. Susubukan naman nina Alyssa at Amy ang isang routine na tiyak na makapagpapa-relax at lalong magpapa-fit and fab sa kanila.
Super Seeds


Chia, flax, squash at iba pang mga butil… maliliit man, siksik naman sa nutrisyon. Hindi lang daw dapat papakin ang mga iyan kundi talagang dapat isama sa diyeta. Bakit nga ba sila tinawag na super seeds? Alamin ngayong Sabado.
Tahoooo!

Ito ang sigaw ni manong na nag-lalako nito sa kalsada na laging nagpapabangon sa atin tuwing umaga. Isa sa mga paborito nating almusal o kaya meryenda ang taho. Sa Sabado, ipakikita ng Pinoy MD na may mga iba nang pagkaing puwedeng ma-enjoy na gawa rin dito. Malinamnam na, healthy pa!
Let’s Talk About Gout
Kapag daw masyadong mataba, may altapresyon o kaya kung lumagpas na sa 60 years old, mas maaari kang magkaroon ng kung tawagin ay Gout. Pati mga babae puwedeng magkaroon nito. Ang mga puwedeng gawin para makaiwas sa masakit na kondisyong ito ang tatalakayin ng Pinioy Md ngayong Sabado.
Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD. Alas 6 hanggang alas 7 iyan ng umaga sa GMA.