How to lose 165 lbs? Alamin sa 'Pinoy MD'
JULY 16, 2016 / SABADO / 6 AM
DANTE’S TIPS

Akala niya raw noon, imposibleng makapagbawas ng timbang. Dahil may disiplina, kinaya ni Dante Pascual na maging fit at healthy. Sa loob lang ng isang taon, mula 332 ngayon ay 167 pounds na lang siya. Talaga namang from obese to beast, ika nga! Ang kanyang epektibong weight loss workout, healthy meal recipe at ang kanyang fitspirational story ibabahagi niya sa Pinoy MD.
LAGUNA HOT SPRING WITH SHIRLEY


Ang TV host at aktres na si Shirley Fuentes dumayo sa isang hot spring resort sa Calamba, Laguna. Masarap lumublob diyan lalo pa’t maulan ngayon. Maganda rin ang paglublob sa tubig ng hot spring dahil nakatutulong ito para gumanda ang sirkulasyon ng dugo. Tara na't mamasyal at alamin ang iba pang health benefits ng hot spring ngayong Sabado ng umaga.
OH MY GULAY SA MAJAYJAY!



MAY PAG-ASA LABAN SA CERVICAL CANCER

Tinatayang 12 Pilipina ang namamatay araw-araw dahil sa karamdamang ito. Delikado ang cervical cancer pero may paraan para gumaling dito. Si Angie Presa, anim na taon nang survivor. Alamin ang kanyang istorya ng pakikikipaglaban sa sakit na ito.
Kada Sabado, travel tips at health tips… tiyak na maaasahan niyo iyan mula kina Connie Sison at ang mga doktor ng bayan. Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.