Weight loss tips para sa mga 40-something, alamin sa 'Pinoy MD'

Kung hindi sidekick, kontra-bida ang karaniwang papel ni Patricia Ismael sa telebisyon at pelikula. Dahil sa puyat at stress na dala ng kanyang trabaho, di niya raw maiwasan noon na kumain ng junk food at manigarilyo. Kaya lumobo daw ang kanyang timbang sa 125 lbs. na sadyang mabigat para sa taas niyang 4 feet, 8 inches. Pero ngayon may healthy lifestyle na si Patricia. Dahil sa kanyang tiyaga, 95 lbs na lang siya ngayon! At 42 years old, leading lady na ng sarili niyang buhay si Patricia. Alamin ang kanyang weight loss success story sa Sabado.

Ngayong bakasyon, mas may pagkakataon tayong, pagsabayin ang pakiki-bonding sa pamilya at pagiging healthy. Pagdating sa travel, puwedeng dumayo sa Tanay, Rizal kung saan may mga resort na pampamilya. Para sa mga aktibo, puwedeng mag-zipline, watercycling at archery. Puwede ring magpa-fish spa, mag-swimming o kaya mag-relax. Ang mga iyan, sinubukan ni Kapuso comedienne Maey Bautista.

Dahil mas maganda na ang panahon ngayon para magluto outdoors, puwedeng mag-ihaw. Alamin kung paano mas pasasarapin ang mga paboritong inihaw na bangus at tilapia!

Kung lagi kayong binabahing lalu na sa umaga, at may kasabay pang pagluluha ng mata, maaaring hindi yan sipon kundi allergic rhinitis. Ang mga simpleng paraan para maginhawahan ang mga may allergic rhitinis, ilalahad sa Sabado.
Sa pangunguna ni Connie Sison ihahatid ng mga Doktor ng Bayan na sina Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor ang tamang health information. Mapanonood ang Pinoy MD 6 am, sa GMA.