ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pinoy MD': Bakit bilbilin pa rin ako?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ginawa mo na ang lahat- nag-crunches at nag-diyeta pero sadyang malaki pa rin ang iyong puson o bilbil. Samahan ang komedyanang si Maey Bautista sa pagtatanong sa mga fitness pro… saan nga ba tayo nagkukulang pagdating sa pagpapaliit ng ating mga tiyan?


Sa tindi ng init ngayon, minsan ayaw mo nang gumalaw!  Problema tuloy ng marami ang sobrang pagpapawis o kaya naman dehydration.  Pero ang sobrang init, maaaring makasama rin lalu na sa mga may sakit sa puso. Pati ang pag inom nila ng maintenance medicine, maaaring mas makapagdulot ng uhaw at pagod. Ano-ano nga ba ang dapat tandaan ng mga may sakit sa puso kapag ganito kainit ang panahon?

 


Ipakikita ni ’80s model at heartthrob na si Ricardo Cepeda ang sikreto ng matipuno niyang pangangatawan kahit na siya’y lampas 50 years old na. Ang pinaka-epektibong mga exercise para sa mga tatay na ayaw na ng “dad bod,” idedemo mismo ni Ricardo ngayong Sabado.


Samahan sina Connie Sison, Dr. Jean Marquez, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Dr. Oyie Balburias sa pagbibigay ng mapagkakatiwalaang health information.  Abangan ang Pinoy MD, Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
Tags: pinoymd