ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health routine ni Ronnie Ricketts, ibabahagi sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PINOY MD: JULY 8, 2017
SABADO, 6:00 AM, GMA 7


FARM-ACY
Ngayong maulan na, uso na rin ang ubo. Ayon sa Department of Health, isa sa mabisang lunas dito ang halamang gamot na lagundi. Samahan ang Pinoy MD sa pagbisita sa isang certified organic farm sa Nueva Ecija kung saan matatagpuan ang ilang tried and tested na natural remedies tulad ng lagundi, akapulko at tsaang gubat. Ipakikita rin namin kung paano inihahanda ang mga ito para maibsan ang inyong dry cough, sakit sa tiyan at sugat.

HEALTHY SI IDOL: RONNIE RICKETTS

Sa edad na 56, ang dating action star na si Ronnie Ricketts, nanatiling maganda ang pangangatawan. Ang kanyang sikreto, di na raw kailangan ng script -- regular na ehersisyo at tamang diyeta lang. Pati nga ang kanyang mga anak na babae, kasama niya sa kanyang workout. Sabayan ang kanyang routine ngayong Sabado.

PECHAY PA MORE

Murang mura ang pechay at tag-ulan man o tag-araw, mabibili ito sa palengke. Pero bukod sa pangsahog sa nilaga at ginisa, ano pa nga pa ang masarap na paraan ng pagluluto nito? Subukan ang pechay siomai at isdang ibinalot sa pechay para sa pechay-riffic na handa!

HEPATITIS A
Tusok-tusok dito, ihaw-ihaw doon. Pero kapag hindi nag-iingat, ang mga street food na ating paborito, maaaring magdala ng malalang sakit tulad ng Hepatitis A. Ano ang mga sintoma ng sakit na iyan?  Ipaliliwanag namin sa tulong ng isang hepatologist.

Sina Connie Sison, Dr. Jean Marquez, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang mga tagapaghatid ng impormasyong mapagkakatiwalaan ninyo.  Abangan ang Pinoy MD 6 am sa GMA.