ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-atake ng pulikat sa gabi, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PINOY MD
SABADO, AUGUST 26, 2017
6 AM ON GMA 7

 


PAMUMULIKAT SA GABI: ANO ANG SANHI?
Naranasan niyo na ba ang biglaang pamumulikat sa gabi? Kung isa kayo sa mga madalas na nakararamdam nito, manood ng Pinoy MD sa Sabado.  Ipaliliwanag ng mga eksperto na ang nocturnal cramps pala, maaaring sintoma ng ibang sakit.  Ano ang mga karamdamang ito at ano ang mga puwedeng gawin para maibsan ang kirot ng pulikat sa gabi?

 


HOT MOMMA ARA MINA
Loving mom, character actress at businesswoman na siya ngayon.  Kuwento ni Ara Mina, simula raw nang dumating sa buhay niya ang kanyang anak na si Amanda, mas nagsipag siya sa trabaho at mas nagtiyaga rin para magkaroon ng healthy lifestyle.  Sa ngayon, tinututukan daw ni Ara ang “problem areas” niya gaya ng mga hita at braso. Alamin ang workout at diet secrets ni Ara para maabot ang kanyang target na timbang.

 


WOW, SITAW!
Karaniwang sahog lang ang sitaw sa mga lutuing Pinoy, pero marami pang puwedeng maihanda gamit ang gulay na ito.  Salad, pasta at sisig na hinaluan ng tokwa’t tuna ang mga ituturo ni Chef Michelle Adrillana.

 


TAYO NA SA ANTIPOLO
Sa paparating na namang long weekend, subukan niyong dumayo sa Antipolo.  Sa siyudad na ito ng Rizal, maraming puwedeng gawin na healthy at magugustuhan ng buong pamilya.  Sa isang café at pottery studio, makapagre-relax, makakakain ng masarap na vegan food at puwede ring magkaroon ng pagkakataon na matutong gumawa ng mga obra sa tulong ng kanilang mga artist.     May eco-reserve rin sa Antipolo, kung saan puwedeng mag-exercise at pagkatapos, magpahilot.

Sina Connie Sison, Doc Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez, ang magbibigay sa inyo ng impormasyon kung paano mas magiging malusog ang family.  Panoorin ang Pinoy MD sa GMA, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga.
Tags: pr, plug, pinoymd