ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hirap sa pagpapayat at mabilis na pagkapagod, alamin ang dahilan sa 'Pinoy MD'


HIRAP MAGPAPAYAT AT LAGING WALANG ENERGY?
Alamin ang posibleng dahilan sa Pinoy MD

Sabado, September 9, 2017
6 am sa GMA 7

 

 
Hirap na hirap ba kayong magpapayat kahit ano pang diyeta at ehersisyo ang inyong gawin? Lagi ba kayong nanghihina? Ilan lamang ito sa sintomas ng hyperthyroidism. Ang hyperthyroidism ay isang kondisyon kung saan mahina ang thyroid gland kaya’t kulang ang inilalabas nitong hormone. Kailangan ng ating katawan ang thyroid hormone sa iba’t ibang proseso kabilang na ang metabolismo. Alamin ang iba pang sintomas ng hypothyroidism at kung ano ang dapat gawin sakaling kayo’y magkaroon nito.
 
 

Ang mga food park sa Metro Manila, animo’y mga kabuteng nagsulputan. Sa dami ng pagkain at inuming itinitinda, meron kayang healthy choices sa mga ito? Samahan si Connie Sison sa pagbisita niya sa ilang food park para sa isang nakabubusog na umaga.


'Di kumpleto ang ginisa kung walang bawang. Pero alam niyo bang hindi lang ito pampalasa kundi mabisang natural na gamot din para sa mga kati-kati at sa numinipis na buhok? Nakapagpapababa rin daw ito ng presyon at blood sugar level. Sundan ang simpleng mga paraan ng paghahanda ng bawang para makamtan ang mga benepisyong pangkalusugan nito.

 


Pamilya ni former child actor Chuckie Dreyfus, sasabak sa exciting experience sa isang archery arena. Sino kaya ang mananalo sa pagitan ng Team Mudra-Pudra at Team Junakis?

Panoorin ang Pinoy MD ngayong Sabado, September 9, 2017, 6 am sa GMA 7.