Mga home remedy para sa rayuma, alamin sa 'Pinoy MD'

SATURDAY, 20 JANUARY 2018
6 AM ON GMA 7
ARAY, RAYUMA!
Kapag ganitong lumalamig na ang panahon, ang mga may rayuma mas hirap daw dahil mas ramdam nila ang kirot. Isa ba kayo sa mga dumadaing ang tuhod kapag maginaw? Manood sa Sabado para malaman kung paano niyo ba maiibsan ang epekto ng rayuma. Sa tulong ng eksperto, alamin ang lang epektibong home remedy para rito.
JAPAN-JA-FUN IN THE CITY
Samahan si comedienne Maey Bautista sa pag-relax sa ilang Japanese spa sa Metro Manila. Di lang gagaan ang inyong pakiramdam, gaganda rin ang sirkulasyon ng inyong dugo at mabuti rin daw ito para sa kutis.
HEALTHY SI MARITONI
Kung titingnan ang kanyang pangangatawan, hindi niyo aakalaing 48 years old at mother of two na ang actress na si Maritoni Fernandez. Mas lalung nakabibilib na cancer survivor din si Maritoni. Sa Sabado, ikukuwento ang mga sikreto niya sa kanyang pagiging fit and healthy.
HUWAG OKRAYIN ANG OKRA
Okra recipe na hindi “ma-laway” at mae-enjoy ng marami ituturo ni chef-nutritionist, Malou Caudal!