ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solusyon sa stretchmarks, alamin sa 'Pinoy MD'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PINOY MD

SATURDAY, MARCH 17, 2018

6 AM ON GMA 7

 

STRETCH MARKS – PAANO BUBURAHIN?

Para sa mga pumayat o kaya nanganak, karaniwang problema ang stretch marks. Ito yung tila “kamot” sa ating balat na dahil sa sobrang pagkabanat ng balat. Di naman ito masama sa ating kalusugan pero ngayong panahon ng summer outfit at swimsuit, marami ang nako-conscious. Sa Sabado, ipaliliwanag ni Pinoy MD host at dermatologist Dr. Jean Marquez kung ano talaga ang mga paraan para mabura o mabawasan ang stretch marks.

GO, GO, BAGUIO BEANS!

Kung hindi makabiyahe pa-Baguio ngayong summer, mag-Baguio beans na lang! Mayaman ang gulay na ito sa fiber at iba pang mga bitamina.  Abangan kung paano lutuin ang creamy beans and mushrooms at omelette with Baguio beans.

DETOXIFY IN SOUTH KOREA

Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang benepisyo sa kalusugan ng pagre-relax. Sa South Korea, bahagi na ng kanilang kultura ang pagpapa-spa. Ito ang naranasan Pinoy MD host at wellness expert na si Dr. Oyie Balburias. Ang facial na kanyang sinubukan, nakakabata raw ng balat at nakatatanggal pa ng mga lason sa katawan. Kung di naman makadayo sa South Korea, subukan ang isang traditional Korean spa o jjimjilbang sa Makati City.

FITSPIRATION: MARICAR DE MESA

Gaya ng maraming ina, naranasan daw ng aktres na si Maricar de Mesa ang biglaang paglobo ng timbang nang siya’y magbuntis. Nang manganak noong 2017, hindi raw siya agad nakabalik sa pag-e-ehersisyo dahil sumailalim siya sa Caesarian section. Pero wala pa mang isang taon mula nang manganak, fit at sexy na ulit si Maricar. Ang sikreto ng kanyang pagbabalik-alindog malalaman natin sa Sabado.

Tags: plug, pr, pinoymd