ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lagay ng kalusugan ayon sa dumi, alamin sa 'Pinoy MD'


PINOY MD: LAGAY NG KALUSUGAN AYON SA ATING DUMI

SABADO, 7 APRIL 2018

6 AM ON GMA 7

 

Natural na proseso ng ating katawan ang pagdumi. Mahalaga ito para mailabas ang mga di na mapakikinabangan mula sa ating kinain, at para hindi maipon ang mga lason sa ating katawan. Pero ang hugis at kulay ng ating dumi, maging kung gaano kadalas o kadalang tayo dumumi, maaaring indikasyon kung maayos ba o hindi ang ating kalusugan, partikular na ang lagay ng ating digestive system. Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi, maaari ring senyales ng sakit.

 

“Sitting is the new smoking.” Ito ang lumabas sa pag-aaral ng medical practice at research group na Mayo Clinic tungkol sa masamang epekto ng mahigit sa apat na oras na pag-upo sa isang araw. Imbes na umupo-upo lang, bakit hindi gamitin ang mismong upuan o sofa para mag-ehersisyo? Ito ang ipakikita ni Kapuso actress, breast cancer survivor at fitspiration, Ms. Glenda Garcia. Ilan sa sofa exercises na ito ang tricep dips para sa mga braso, at mountain climbers para sa mga braso at abs.

 

Dahil opisyal nang nagsimula ang tag-init, pawiin ang alinsangan sa pamamagitan ng buko dishes na aming ihahanda. Subukan ang tinola sa buko at super-easy pancit buko recipes at para na rin kayong nag-beach sa isang island getaway.

 

Kilala ang Los Baños, Laguna sa kanyang relaxing hot springs. Pero sa resort na dinayo ni Kapuso comedienne Divine, buong pamilya o barkada puwedeng makaranas ng “natural high” sa pamamagitan ng extreme activities tulad ng cliff diving at jump-and-fly. Hindi lang din mga kakanin ang matitikman sa Los Baños, kundi pati healthy dishes na vegetarian sisig at five spice tofu pasta. Sulitin ang bakasyon at magplano na ng sulit na day trip sa Los Baños.