Solusyon sa varicose veins, alamin sa 'Pinoy MD!'
PINOY MD: SOLUSYON SA VARICOSE VEINS
Saturday, July 14, 2018
6 am on GMA 7
SOLUSYON SA VARICOSE VEINS

Paano nga ba pahuhupain ang mga ugat na namamaga? Bukod sa sclerotherapy, kung saan may kemikal na itinuturok mismo sa varicose veins, mayroon na rin ngayong endovenous radiotherapy ablation. Alamin kung ano ang ERA at kung paano nito sosolusyunan ang varicose veins.
HEALTHY COOKING WITH CONNIE

Bubuksan ni Connie ang kanyang sariling kusina at ituturo ang ilang katakam-takam na lutuing masabaw. Kasama na riyan ang bulanglang at molo soup na tamang-tamang pampainit ngayong maulan ang panahon.
ADVENTURE WITH ARA

Wala pang dalawang oras mula sa Metro Manila, maaari nang ma-enjoy ang bonding activities sa Pampanga kasama ang barkada at pamilya. Samahan ang Kapuso nating si Ara San Agustin sa isang sulit na pasyal!
HEALTHY SI IDOL: MIKE TAN

Sa mga gustong maging malakas at mas matatag ang katawan, subukan ang calisthenics. Ang Kapuso actor na si Mike Tan, ilan taon nang nagsasanay sa workout na ito at nakatulong daw ito para siya’y maging mas fit. Bodyweight lang ang gamit sa calisthenics kaya madaling simulan kahit pa hindi pa sanay mag-ehersisyo.