ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Healthy low-carb recipes, ihahain sa 'Pinoy MD'


NAIL FUNGUS, PAANO MATATANGGAL?

 


Kung ang inyong kuko sa paa ay nangingitim, natutuklap o nagkakabiyak-biyak, maaaring ito’y dahil sa nail fungi. Nakukuha raw ito sa paglusong sa maruming tubig at hindi agarang paglilinis at pagpapatuyo ng mga kuko. Maaaring resulta rin ito ng matagal na pagkakakulob ng inyong paa sa sapatos nang mahabang oras. Epektibo ba ang pagbababad sa maligamgam na tubig para mamatay ang fungi? May mga gamot bang puwedeng ipahid o inumin para magamot ito?

EASY LOW-CARB RECIPES

 


Para sa mga nagdidiyeta at mga mataas ang blood sugar level ang ihahanda ni Chef Winston Luna sa Sabado. Ito ang mga low-carb meals na masarap na, mura at madali pang ihanda.

HEALTHY GIMMICK NG BARKADA

 


Samahan si Arianne Bautista sa paglilibot niya sa ilang healthy destinations sa Quezon City.  Sa isang spa, may “barkada package” para mas makamura ang magkakaibigan.  At ang pinuntahan niyang vegetarian restaurant, swak na swak rin sa bulsa.

SHERYL CRUZ AT RIVER DIVAS

 


Idol ng maraming kabataan si Sheryl Cruz noong 1980s pagdating sa pagkanta at pag-arte.  Pero ang passion daw talaga ni Sheryl, ang pagsasayaw. Kaya binuo niya ang River Divas – isang dance group ng mga kababaihan na iba’t iba ang edad at hugis pero nagkakaisa sa iisang hilig. Ang video ng kanilang performance sa isang charity event, naging usap-usapan sa internet. Sa Sabado, kasama ang mga celebrity na sina Ynez Veneracion, Marissa Sanchez, Saicy Aguila, at ang iba pang mga kaibigan, panoorin ang kanilang hot dance moves!

Tags: plug, pr