ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Nitong Setyembre lang, inanunsyo ng mga eksperto na nag-flatten na raw ang COVID-19 curve ng bansa
Add GMA on Google
COVID-19 curve ng Pilipinas, nag-flatten na nga ba?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maraming nagbago sa buhay natin mula nang magsimula ang Covid-19 pandemic. Pero para sa 20 taong gulang na si China Bade, mas mabigat ang naging new normal niya. Noong April kasi, nang biglang lumaki ang kanyang tiyan, nalaman niyang mayroon siyang stage 3 ovarian cancer. Ang dating malusog at masiyahing kasambahay... nanghihina na. Ano ang mga pinagdaaanan ni China? Paano siya nagpapagamot ngayong may pandemya?

Samanatala, sa ilalim ng Modified General Community Quarantine, maaari nang mag-ehersisyo sa labasng bahay para mapalakas lalu ang katawan at resistensya! Pero dapat tandaan ang safety protocols. Tulad na ng aktor na si Gardo Verzosa, regular na nagsu-Zumba si Gardo sa kanyang bakuran para mapalakas ang kanyang cardio endurance, kung minsan, nakakasama pa niya ang ibang kapwa artista sa pag-eehersisyo! Ang stay-at-home mom na si Nish naman, high-intensity interval training ang ginagawa sa rooftop ng tahanan. Dalawa lang sila sa mga nag-a-outdoor exercises ngayong may pandemya, kayo susunod na rin ba?

At tunghayan ngayong sabado ang kwento ni Lady Jasmine kung paano naging ligtas ang kaniyang pagbubuntis ngayong new normal. At ibabahagi rin niya ang aktwal na pagsilang niya ng sanggol sa gitna ng pandemya! May mga payo rin si obstetritian-gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor para sa mga ibang buntis.

May dala rin kaming impormasyong aprubado ng mga health expert tungkol sa mga pananaliksik para makahanap ng bakuna kontra-Covid-19. Susuriin din namin kung ano na ang lagay ng Pilipinas sa Covid-19 curve.
Abangan si Connie Sison at si Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor sa Pinoy MD sa Sabado. Mapapanood iyan, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
Tags: conniesison, pinoymd
More Videos
Most Popular