ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano makaiiwas ang mga may diabetes sa COVID-19?


PINOY MD
OCTOBER 24, 2020
6:00 A.M. – 7:00 A.M.

Kung diabetic ka, doble ang tsansa mong makakuha ng COVID-19. Ang mga diabetes din daw, tatlong beses na mas maaaring mamatay dahil sa kumkalat na virus. Ayon ang mga iyan sa National Center for Biotechnology Information (NCBI). Ang diabetic na si Rose Rodriguez nagkaroon ng severe COVID-19 at mabuti na lang daw at sa tulong ng frontliner niyang mga doktor, nalagpasan niya ang sakit. Alamin ang kuwento ni Rose at ng iba pang may diabetes at kung paano nila iniingatan ang kanilang sarili ngayong may pandemya.

Dahil maulan, mas kumakati ang rashes ng mga may eczema.  Matagal nang may ganitong skin condition si AC Vergara at talaga raw nakaapekto ito sa kanyang kumpiyansa sa sarili. Para matulungan si AC, binigyan siya ng ilang tips ng dermatologist at Pinoy MD host na si Dra. Jean Marquez.    

Abangan din ang mga toaster oven recipes na madali nang gawin, nakatutulong pang makapagpaangat ng mood.

Panoorin sina Connie Sison at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan… ang Pinoy MD sa Saturday, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.