Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Healthy summer coolers, tampok sa Pinoy MD!


Pinoy MD
May 8, 2021
Satuday, 6 AM - 7 AM

 

 

Inakala ng 32 taong gulang na si Joy Santiago na irregular menstruation lang ang kanyang nararanasan noon pero pagkatapos masuri ng doktor, nalaman niyang mayroon pala siyang endometrial cancer. Dahil sa gamutan, nalagas ang kanyang buhok! Ngayong Sabado, isang sorpresa ang matatanggap ni Joy bilang advance Mother's Day gift para kahit papaano'y makapagpagaan ng kanyang loob hanggang tuluyan siyang gumaling.

 

Ngayong maalinsangan na ang panahon, iba’t ibang summer coolers na naman ang pagkakaguluhan. Ang paborito ng lahat na Halo-Halo, bukod sa dose-dosenang minatamis na sangkap, puwede ring haluan ng healthy ingredient tulad ng KALABASA! Ang kinakiligan namang Dalgona Coffee, puwede ring haluan ng gabi para makagawa ng Taro Dalgona!

 

Makabuluhang usapan tungkol sa gamot na Ivermectin na bagamat wala pang pahintulot o certificate of product registration mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay may ilan nang gumagamit kontra COVID-19.

Abangan ang lahat ng iyan ngayong Sabado sa Pinoy MD!