ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rizal Resorts sa "Pop Talk"


"Pop Talk"
Rizal Resorts sa "Pop Talk"
April 26, 2014
8 PM, GMA News TV-11

 
Nabitin ba kayo sa bakasyon noong Holy Week? Naghanap ang "Pop Talk" ng tatlong resorts sa Rizal na puwedeng puntahan ng pamilya, barkada at pati ng buong opisina para sa isang quick weekend getaway. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?




Isasalang sa pagrerebyu ang: “Noah’s Leisure Park Hotel and Resort” Rodriguez, Rizal; ang “Green Nature Resort and Leisure Park” sa San Mateo, Rizal; at ang “Momarco Resort” sa Tanay, Rizal.




Makakasama ng host na si Tonipet Gaba ang guest reviewers: ang food, travel at lifestyle blogger sa thefoodscout.net na si Jillian Bantang, ang daddy and son na mahilig mag-swimming na sina Noel Comia Sr. at Noel Comia Jr.;  at ang celebrity reviewer na awardwinning Kapuso actress na si LJ Reyes.




Alamin ang mga Pop na Pop na Summer Pasyalan sa Rizal ngayong  Sabado, 8:00 pm – 8:45 pm, sa GMA News TV!
 
*Ang "Pop Talk" ay isang pop culture-review program kung saan pinag-uusapan at nirerebyu kung ano, sino, at saan ang hot, happening at trending ngayon. Kamakailan, tinanghal itong ‘Best Adult Educational Program’ sa 2013 Catholic Mass Media Awards.

Joey Reyes, Aiza Seguerra, Sebastian Castro, Charice Pempengco,