ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

BIR Commissioner Kim Henares on 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POWERHOUSE: KIM HENARES
Airing date: July 10, 2012
 
Sa Martes, abangan ang pagbisita ni Mel Tiangco sa bahay ng walang inuurungang pinuno ng Bureau of Internal Revenue, si Commissioner Kim Henares.
 
Ipinanganak sa isang middle-class Chinese-Filipino family, lumaki si Kim sa isang marangyang buhay. Pero hindi ito naging dahilan para umasa na lang siya sa magulang.  Nag-aral ng Accounting sa La Salle at Law naman sa Ateneo de Manila, nagpakadulbhasa si Kim sa International Comparative Law sa Georgetown University sa Amerika.
 
Sa house tour ni Kim, ipakikita niya kay Mel Tiangco ang higit 600 square meter property nila ng kaniyang asawang si Daniel.  Bagamat moderno, Pinoy na Pinoy naman ang mga dekorasyon at muwebles, kabilang na ang circular ceiling lamp na dinisenyo ni Architect Joaquin Dayrit. Kapansin-pansin din ang napakalaking master's bedroom na halos isang palapag ang laki, at ang motorsiklong naka-display sa sala!
 
Ayon sa Commissioner, magkatuwang nilang binuo ang bahay ng asawa niya, na nakilala niya nang siya ay nag-aral sa Ateneo. Dalawampung taon din silang naging magkaibigan muna bago nagpakasal. Kaya naman napakatibay daw ng pundasyon ng kanilang relasyon.
 
Sa pag-uusap nila ni Mel, buong tapang na sasagutin ni Kim ang mga isyung ipinupukol sa kaniya tulad na lang ng pagre-reshuffle ng mga tauhan ng BIR na hindi nagustuhan ng marami, ang pagiging masyadong malapit niya diumano kay Pangulong Aquino at ang pagsasabi raw niya na siya ang pinaka-kwalipikadong maging Chief Justice ng Supreme Court.
 
Kaya huwag palalampasin ang Powerhouse kasama si Mel Tiangco sa Martes, July 10, 2012, 8PM sa  GMA News TV.
Tags: plug