ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga bigatin sa Pinoy fashion industry sa 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POWERHOUSE: Patis Tesoro at Sari Yap Date of Airing: November 13, 2012 Dalawang matagumpay na babae na parehong nagmula sa mundo ng fashion ang bibisitahin ni Mel Tiangco ngayong Martes sa Powerhouse. Isa na siyang icon kapag Filipiniana ang pinag-usapan. Ang mga baro’t saya niya ang hindi lamang kasuotan pero pawang mga works of art na maituturing. Kaya naman tinagurian si Patis Tesoro na Grand Dame ng Philippine fashion! Bubuksan ni Patis ang kaniyang tahanan sa San Pablo, Laguna para sa Powerhouse. Siyempre, Filipino-inspired din ito at apatnapung taon nang nakatayo. Karamihan sa mga gamit dito ay mga antigo, ang iba namana pa ni Patis mula sa kaniyang pamilya. Ang mga punda at bedsheets naman sa mga kwarto ay gawa niya mismo. Palibhasa’y maraming bintana, presko at relaxing ang bahay na dati palang restaurant! Samantala, kilalanin din ni Mel ang isa sa pinaka-maimpluwensiyang babae sa larangan ng publishing, ang CEO ng One Mega Group na si Sari Yap. Masasabing ipinanganak si Sari sa kumportableng buhay. Pero nakaranas din siya ng pang-aapi nang mag-aral siya ng kaniyang masteral degree sa Spain. Palibhasa’y nag-iisang Pilipino noon sa kaniyang klase, pinakitaan siya ng diskriminasyon ng kaniyang mga kamag-aral. Ito raw ang nagtulak sa kaniya para pag-igihin pa ang kaniyang pag-aaral. Kaya naman nakamit niya ang pinakamataas na parangal para sa kaniyang thesis. Ang parehong determinasyon din ang ipinakita niya nang simulan niya ang kaniyang karera sa publishing. Kahit ilang taon ding nakaranas na pagkalugi, hindi nanamlay ang kaniyang kagustuhang maging “the best”. Kaya naman ngayon, namamayagpag ang kaniyang MEGA Magazine sa mundo ng publikasyon sa bansa. Ang condo ni Sari ang kaniyang ‘refuge’ ika nga. Asian Modern ang disenyo nito, kaya naman mala-spa ang dating. Sa sala, ipinagmalaki niya ang Furnitalia sofa na pinag-ipunan pa raw niya! Sa dining area naman, makikita ang mga dining chairs na ginawa ng pamosong furniture designer na si Ito Kish. Pero ang center piece na kaniyang tahanan, ang obra ni Impy Pilapil na gawa sa stone, glass at metal. At bagama’t karamihan sa mga gamit ni Sari ay mamahalin, ang ilan sa mga ito raw ay nabili lang niya sa mga tiangge sa Cambodia, Vietnam , Turkey at dito sa Pilipinas. Paano ba maging woman on top? Dalawang matagumpay na babae, dalawang kwento ng inspirasyon saPowerhouse ngayong Martes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular