Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Preacher in Blue Jeans, Bo Sanchez, welcomes Powerhouse into his home


Martes sa Powerhouse, samahan si Mel Tiangco na kilalanin ang isa sa pinaka-hinahangaang Catholic lay evangelists sa bansa, ang ‘Preacher in Blue Jeans’ na si Bo Sanchez.
 
13 years old pa lang ay kinakitaan na si Bo ng husay sa pagtuturo at pangangaral ng salita ng Diyos. Pero ang hindi alam ng marami, biktima siya ng sexual molestation; bagay na naging sanhi ng isang adiksiyon na ilang taon din niyang binuno. Pero dahil na rin sa pagsisikap na manumbalik sa Diyos, at sa tulong ng natagpuang komunidad, nalampasan niya ang lahat nang ito hanggang siya ay nakapagtaguyod ng sariling komunidad na tinawag niyang Light of Jesus na sa ngayon ay umaabot na sa libo-libo ang miyembro.
 
Sa heart-to-heart interview ni Mel kay Bo, iku-kwento niya kung paano naitatag ang kaniyang komunidad, kung paano siya natutong magsulat at maging ganap na best-selling author, kung bakit sa kabila ng pagiging malapit sa Diyos ay hindi siya nagpari, ang kanilang sweet na sweet na love story ng misis, at ang kakaibang kasal nila kung saan ang mga bisita ay may kaniya-kaniyang bitbit na pagkain!
 
Tunay na magbibigay-inspirasyon ang kwento ni Bo Sanchez kaya huwag palampasin ang Powerhouse, Martes, 8:00 PM sa GMA News TV.