ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Cathy Valencia and Charise Tinio on 'Powerhouse'
Powerhouse
Cathy Valencia and Charisse Tinio
Airing date: December 10, 2013
8:00 PM, GMA News TV-11
Ngayong Martes sa Powerhouse, kilalanin ang dalawang babae na nagpapatunay na sila ay mga women of the world. Alamin ang kwento ng mga lady boss sa likod ng matatagumpay na negosyong Cathy Valencia Skincare Clinic at Nice Print Photography.
Modern Asian ang tema ng tatlong palapag na bahay ng beauty guru na si Cathy Valencia. Glass walls, high ceiling, at elegante ang bahay na katabi lamang ng isa sa kanyang mga clinic. Mayroon din siyang sariling elevator sa loob ng bahay!

Nakilala sa larangan ng pagpapaputi at pagpapaganda, si Cathy Valencia ay nagsimula lamang sa pagho-home service ng facial sa kanyang mga kaibigan noon. Pero dahil sa passion niya sa pagpapaputi, naglakas-loob na pumunta ng Japan si Cathy para lalong palawigin ang kanyang kaalaman sa pagpapaganda ng balat. Ilan sa mga kliyente niya ngayon ay sina Marian Rivera, James Yap, at Dennis Trillo.
Sa isang exclusive subdivision naman sa Quezon City nakatira ang tinaguriang “Wedding Photographer to the Stars” na si Charisse Tinio ng Nice Print Photography. Tulad ni Cathy, Modern Asian din ang tema ng kanyang bahay. Sa loob, conversation piece ang kanyang malaking chandelier at commissioned “Tres Marias” painting na gawa ni Ermes Alegre.

Noon pa man daw ay hilig na ni Charisse ang pagkuha ng litrato. Kaya’t nang siya’y magdesisyong magtayo ng negosyo, hindi na nakapagtataka na ito ang industriya na kanyang pinasok. Nagsimula siyang luminya sa wedding photography nang ma-inspire sa kanyang sariling kasal.
Ang pag-iisang dibdib nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang siyang nagbukas ng pinto sa kanya para sumikat sa industriya. Ilan pa sa mga ginawa ng Nice Print ay ang kasalang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, John Estrada at Priscilla Meirelles, ang singer na si Kyla at basketbolistang si Rich Alvarez, at ang Kapuso reporters na sina Mariz Umali at Raffy Tima.
Para kina Cathy at Charisse, hindi naging hadlang ang kanilang kasarian para magtagumpay sa kani-kaniyang piniling larangan. Pinatunayan nilang sila ay madiskarte, matalino, maganda at handang makipagsabayan kahit kanino.
Alamin ang kanilang sikreto ng tagumpay sa Powerhouse kasama si Kara David, ngayong Martes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular