Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Powehouse' revisits its best episodes of 2013


Powerhouse
Best Episodes of 2013
Date of Airing: December 31, 2013
8:00 PM, GMA News TV-11



Bago natin salubungin ang 2014, samahan ang Powerhouse balikan ang mga taong nagbigay inspirasyon sa atin nitong 2013.

Kilalanin ang iba’t ibang personalidad mula sa mundo ng pulitika na ating binisita. Pasukin muli ang mobile office ni Governor Vilma Santos-Recto at ang Filipino at Malay-inspired na bahay ni Ginang Tingting Cojuangco at makinig sa matatapang nilang sagot sa mga isyung tinanong sa kanila ni Kara David.

Muli ring silipin ang bahay ng dalawa sa batikang artista na sina Tessie Tomas at Jaclyn Jose. Ang matalik na magkaibigan na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez ay magkapitbahay pala. Ipakikita rin nila ang kani-kaniyang bachelor's pad. Muli ring makitawa sa komedyanteng si Benjie Paras at ang kanyang mga anak na sina Kobe at Andre.

Ilan lang 'yan at marami pang bahay at buhay ang babalikan. Muling makinig sa mga kwento ng pag-ibig, pamilya, kabiguan, at tagumpay na nagbigay inspirasyon ngayong  2013. Mga aral na magandang baunin natin sa pagharap sa bagong taon.

Abangan ang Powerhouse  ngayong Martes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV.
LOADING CONTENT