ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kenneth Cobonpue, ipapasilip ang bahay sa 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Powerhouse
Kenneth Cobonpue
Date of Airing: February 19, 2014
11:30PM, GMA-7

Bigatin ang kaniyang mga kliyente. Ilan lang sa mga ito ay sina Senator Grace Poe, Regine Velasquez, Kris Aquino, Lucy Torres, Boy Abunda, Lucy Liu, Angelina Jolie at Brad Pitt lang naman. Lahat sila ay nagmamay-ari ng obra na likha ng multi awarded furniture designer at manufacturer na si Kenneth Cobonpue.
Ang kanyang ina na isa ring furniture designer ang naging inspirasyon ni Kenneth sa pagpapakilala ng makabagong paggamit ng rattan sa paggawa ng muwebles.
Dahil sa mga likha ni Kenneth ay nakilala siya hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati sa ibang bansa. Nagkamit siya ng sunud-sunod na parangal mula sa Japan, Hongkong at Singapore. Sa Pilipinas, tumanggap din siya ng Golden Shell Award na isang pagkilalang binibigay ng pangulo sa pagbabahagi ng kanyang ideya sa Asian Design. Isa rin siya sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines sa larangan ng Arts & Design. Ngayon taon lamang, si Kenneth ang napiling Designer of the Year ng Maison et Objet Asia, ang kauna-unahang Asian edition ng French furniture and design fair.
Lumabas din ang mga disenyo ni Kenneth sa international magazines gaya ng Newsweek at TIME Magazine. Umeksena rin ang kanyang mga gawa sa pelikulang Ocean 13 at maging sa CSI: Miami.
Bagamat laging bumibida sa media ang kanyang mga obra, mailap si Kenneth pagdating sa personal niyang buhay. Marami nga ang interesado kung ano ang hitsura ng sarili niyang tahanan?
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipasisilip ni Kenneth ang kanyang bahay sa Cebu. Kumbinasyon ng contemporary at organic ang tema nito. Si Budji Layug ang nagdisenyo nito kasama ang arkitektong si Royal Pineda. Ang tatlong palapag na bahay ni Kenneth ay binubuo ng dalawang sala, dalawang dining rooms, dalawang kusina, gym at music room.
Saan siya kumukuha ng inspirasyon sa kanyang mga disenyo? Ano ang tumatakbo sa utak ng isang taong may pambihirang talento sa paglikha tulad niya?
Samahan ang multi-awarded journalist na si Kara David sa isa na namang espesyal na pagtatanghal ng "Powerhouse" na puno ng kwento ng tagumpay at inspirasyon. Huwag palalampasin ang bahay at buhay ng Pinoy pride na si Kenneth Cobonpue ngayong Miyerkules, February 19 pagkatapos ng Saksi sa Nightshift Miyerkules ng GMA-7.

More Videos
Most Popular