ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Team Kramer on 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Powerhouse
Team Kramer
Date of Airing: June 4, 2014
4:00 PM, GMA-7

Isang dream house na hindi mo na gugustuhing lumabas dahil lahat ng kailangan mo nasa loob na ng iyong sariling bakod. Ito ang nasa isip ng aktres na si Cheska Garcia at PBA player na si Doug Kramer nang itinayo ang kanilang bahay.



Ngayong Miyerkules ng hapon sa "Powerhouse," bubuksan ng pinakasikat na pamilya ngayon sa social media sa Pilipinas ang kanilang tahanan.

Higit sa isang milyon ang fans nila sa kanilang Facebook account. Kaliwa't kanan din ang guestings at endorsements nila. Ganito kasikat ang mag-asawang Cheska at Doug Kramer kasama ang kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin o mas kilala bilang Team Kramer.

Sa kanilang tatlong palapag na bahay, lahat daw ay paborito nila pero ang pinaka pinaggastusan nila ay ang kanilang home cinema na umaabot daw ng milyon ang halaga. Ipasisilip din nina Doug at Cheska ang kanilang walk-in closet . Ninety percent daw ng laman nito ay damit, sapatos, bags, at accessories ni Cheska. 

Hindi rin magpapahuli ang kanilang mga chikiting dahil may kanya-kanya rin silang closet. Sa katunayan, ang apat na taong gulang at dalawang taong gulang na sina Kendra at Scarlet ang mismong magbibigay ng tour sa kanilang kwarto. Kamakailan lamang ay ni-renovate ito at ginawang Frozen ang tema kung saan bida sa kanilang silid ang Disney characters na sina Elsa at Anna.

Sa kusina naman ng Team Kramer, matatagpuan ang isang cabinet na puno ng junkfood.  Isang wine cabinet din ang makikita dito dahil mahilig daw kasing mag-date sina Doug at Cheska. Masaya na sila kahit sa lanai lamang ng kanilang bahay sila mag-bonding. Isang child-friendly swimming pool din ang pinagawa ng mag-asawa para sa kanilang mga anak. Talagang kumpleto ang kanilang bahay at bihira na raw sila lumabas, mas tipid pa!

Marami ang napabilib sa team work ng Team Kramer kaya naman marami ang sumusuporta sa kanila. Sa katunayan ay nanguna sila sa isang petisyon para makapagtayo ng  mobile hospital sa mga probinsya na nasalanta ng Bagyong Yolanda. Umabot sa 15,000 ang pledge sa petisyon na ito.

Sa kabila ng kasikatan ng kanilang pamilya ay nasakripisyo naman daw ang kanilang pribadong buhay. Paano nga ba hinaharap ng Team Kramer ang mga negatibong puna at opinyon ng kanilang pagsikat?

Samahan si Kara David makipagkwentuhan sa masayang pamilya ng Team Kramer ngayong Miyerkules, alas-4 ng hapon sa "Powerhouse" sa GMA.