ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dabarkads Ruby Rodriguez, tampok sa 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


POWERHOUSE
RUBY RODRIGUEZ
Date of Airing: July 15, 2014


Dalawampu't tatlong taon na siyang dabarkads ng number one noon time show ng GMA, ang "Eat Bulaga." Isa rin siyang batikang host at magaling na komedyante sa pelikula at telebisyon. Ngayong Miyerkules sa "Powerhouse", samahan ang award-winnning journalist na si Kara David na silipin ang ancestral house ni Ruby Rodriguez.
 
Taong 1966 nang itinayo ang bahay na kanilang tinitirhan. Kay Ruby na ito ipinamana at retro ang napili niyang tema. Gawa sa kahoy at elegante ang buong kabahayan. May anim na kuwarto ito hindi pa kabilang ang dalawang kuwarto ng kaniyang kasambahay. Mahilig sa sining  si Ruby  kaya kahit  saan ka tumingin ay may painting tulad ng gawa ng modernist at neo-realist painter na si Anita Magsaysay. May isang obra rin siya na bigay at gawa ng kanyang dabarkads na si Joey de Leon. Ibang mundo naman daw ang makikita pagpasok sa kanilang family room na kahit moderno na ang tema ay mababakas pa rin ang ilang lumang parte nito. Ipakikita rin ng mga anak ni Ruby ang silid ng bawat isa. Puno ng collage ng mga litrato ang kuwarto ng panganay na anak niyang si Toni samantalang  bumida naman sa kuwarto ng bunso ang mga maraming sikat na cartoon characters.


 


Sa kabila ng pagpapatawa ni Ruby, aminado siyang may mga pagsubok din siyang pinagdaraanan. Isa na rito ang pagkakaroon ng anak na may ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder, isang psychiatric disorder kung saan may problema sa atensyon at pagiging sobrang hyper ang isang bata. Kumuha pa raw ng special education unit si Ruby sa isang American program na mayroon lamang sa University of Visayas para mas maintindihan ang kondisyon ng anak. Plano rin ni Ruby na magtayo ng eskuwelahan  para sa special kids.

Pinagsamang drama at komedy, ganyan ang buhay ni Ruby.
Kilalanin siya sa likod ng kanyang pagpapatawa at mabighani sa ganda ng kanyang bahay ngayong Miyerkules sa Powerhouse, alas kwatro ng hapon pagkatapos ng Dading.