ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Onemig Bondoc admits he used illegal drugs


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


POWERHOUSE
ONEMIG BONDOC
Date of Airing: August 27, 2014
 
Ngayong Wayback Wednesday sa Powerhouse , samahan ang award-winning journalist na si Kara David na kumustahin ang buhay at silipin ang bahay ng dating sikat na teen star  na si Onemig Bondoc.

Marami ang  followers niya bilang  JM sa sikat na teen series ng GMA na TGIS noong 1995.
Bumida siya sa ilang pelikula kapareha ang mga sikat na aktres gaya nina  Mikee Cojuangco, Jolina Magdangal , Kristine Hermosa, at Judy Ann Santos.
 
Sa kabila ng kasikatan , nag-deactivate si Onemig sa showbiz. Hindi raw niya kasi nagawang i- block ang drugs sa buhay niya . Nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot. Napasama pa nga sa NBI Top 10 watchlist ang kaniyang pangalan dahil dito.
Pero nagawa ni Onemig na magbagong buhay. Naging active na ulit siya pero hindi na sa showbiz kundi sa negosyo ng paaralan at real estate.
Bubuksan ni Onemig ang elegante niyang bahay na Asian ang tema. It's complicated ang status ng relasyon niya sa kanyang asawa kaya ngayon ay mag- isa niyang itinataguyod ang dalawang anak.
Kwento ng kasikatan, pagkalulong sa drugs, at muling pagbangon.  Huwag palalampasin ang naging  transformation  ng buhay ni Onemig Bondoc sa Powerhouse ngayong Miyerkules, alas-kwatro ng hapon sa GMA 7.