ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mag-asawang Patricia at Vince Hizon, patutuluyin tayo sa kanilang 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Powerhouse: Vince and Patricia Hizon
Date of Airing: February 4, 2015


Nakilala bilang “The Prince” ng Philippine Basketball Association si Vince Hizon pero hindi lang siya sa hardcourt magaling. Pagdating sa bahay, champion din siya.

"Wala akong kaalam-alam sa budget. He does everything,
pagdating sa pagbabalanse at pagbabayad ng bills and logging everything," ito ang kwento ng asawa ni Vince na si Patricia.

Taong 2003 nang tumatak sa mga manonood ang proposal ni Vince kay Patricia sa halftime break ng isang laro sa PBA. May dalawa na silang anak ngayon at sa loob ng 12 taong pagsasama, alam daw ni Patricia na siya lang ang nag-iisang prinsesa sa puso ni Vince: "Of all the things that he has done and would do for me, he won't waste his time on just another person like that. Siya na rin ang nagbigay sa akin nun, ng seguridad na walang iba."

Ipasisilip ng dalawa ang kanilang dream house sa Quezon City. Bago pa sila ikasal, pinangarap na raw nila ang bahay na ito. Nasa 1,000 square meters ang lawak ng buong tahanan na modern at minimalist ang tema. May basketball court din sa likod nito.

Madiskarte raw si Vince pagdating sa pagtitipid. Sa katunayan, ang sahig nilang makintab, suka at tubig lang ang kanilang gamit.  Sa kabila rin ng laki ng bahay nila, ipinagmamalaki ng mag-asawa na sobrang liit ng kuryente nila, paano kaya nila ito ginagawa? Ano ang sikreto ng kanilang masayang pagsasama? Paano nga ba maiiwasan ang pangangaliwa sa isang relasyon?

Sa unang  Miyerkules ng Pebrero, samahan si Kara David alamin ang kuwento ng  pag-ibig at tagumpay  ng mag-asawang Vince at Patricia Hizon sa Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA-7.