ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Villa Patricia' ni Patricia Javier, sisilipin sa 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

POWERHOUSE
PATRICIA JAVIER
Date of airing: March 11, 2015
Sa isang bahay kubo sa Antipolo nakatira noon ang sexy actress na si Patricia Javier. Magsasaka ang kanyang ama at manikurista naman ang kanyang ina. Si Lani Mercado na dating kapitbahay nila ang naging daan para makapasok siya sa showbiz.
Nalinya si Patricia sa pagpapaseksi at tinaguriang “Sexy Diva.” Aminado ang aktres na pumatol siya sa may asawa sa pag-aakalang walang lalaking seseryoso sa kanya dahil sa kanyang trabaho; hanggang sa makilala niya ang Amerikanong si Robert Walcher. Sa isang concert sa US nakilala ni Patricia si Robert na isang chiropractor. Love at first sight daw ito na nauwi sa pagpapakasal ng dalawa noong 2006.
“Ang dami ko nang pinirmahan na kontrata sa trabaho pero ang kontratang pinirmahan ko sa asawa ko ang the best contract na dumating sa buhay ko,” umiiyak na pahayag ni Patricia sa panayam ni Kara David.


Mula Amerika, bumalik ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak sa Antipolo noong isang taon. Ang dating kubo ay pinapatayuan na nila ngayon ng isang resort, ang Villa Patricia. Dito rin makikita ang dalawang palapag nilang tahanan na puno ng paintings ng aktres. Pinili ni Patricia na huwag palagyan ng shower at gripo ang kanilang bahay para raw maranasan ng kanyang pamilya ang mag-igib, gumamit ng tabo, at mamuhay ng simple.
Ang tamis ng tagumpay at kwento ng pag-ibig ni Patricia Javier ay mapapanood ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA 7.
Tags: prstory, patriciajavier
More Videos
Most Popular